Seasonal Farmworkers Send Off Ceremony 2022


 


Muling isinagawa ang Send Off Ceremony ng ikalawang Batch ng Seasonal Farmworkers patungong Hongcheon-Gun Gangwon-do Province sa bansang South Korea nitong April 19, 2022.

Ang 67 na farmworkers ay muling nakaalis sa tulong ng ating minamahal na Mayor ILDEBRANDO D. SALUD sa patuloy na pagkakaroon ng Sisterhood Agreement ng bayan ng San Juan at Hongcheon-gun sa bansang South Korea. 

Nagbigay ng mensahe ang ating Punong Bayan ILDEBRANDO D. SALUD at ilang myembro ng Sangguniang Bayan para sa ating mga aalis na Seasonal Farmworkers.

Nagpapasalamat din ang Punong Bayan kay Sec. Jun Sevilla sa koordinasyon sa mga opisyales ng Hongcheon-gun para maasikatuparan ang programang ito.

Nakatakda namang umalis sa mga susunod na linggo ang lima pang batch ng mga farmers.

BON VOYAGE! Hangad namin ang inyong tagumpay!

Post a Comment

0 Comments