MARCH is RABIES AWARENESS MONTH!
“Rabies-free na pusa’t aso, kaligtasan ng Pamilyang Pilipino”
Ang Tanggapan ng Provincial Veterinarian sa pakikipagtulungan ng ating Bayan ng San Juan sa pangunguna ng ating Mayor Ildebrando “Beebong” Salud, Vice Mayor Anthony Marasigan, Sangguniang Bayan Members at Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ay nakikiisa sa Pagbabakuna ng ating mga alagang pusa at aso.
Ang “Anti-Rabies Vaccination” na ito ay nagsimula noong ika-1 ng Marso sa Brgy. Muzon at Janaojanao at ika – 3 ng Marso sa Brgy. Laiya Aplaya, Laiya Ibabao at Hugom. Dapat nating ingatan at mahalin ang mga alagang hayop natin. Ang bawat barangay ay may kanya-kanyang iskedyul o nakatalagang araw ng pagbabakuna. Katulong po sa gawaing ito ang atin pong Community-Based Animal Technicians (CBAT)/ Barangay Animal Health Workers (BAHW) at ating mga kawani ng MAO.
Halina at pabakunahan na si Kuting at Bantay!
“KILOS SAN JUAN, BATANGAS UPANG SA RABIS MAGING LIGTAS”

0 Comments